Thursday, November 13, 2008

Reunion

Well, well, well.. WE ARE REUNITED.. SOMEONE MISSING BUT HAPPY WITHIN :)


Ang tagal kong hindi nakapag-update ng aking pabrika, Im on busy sched kasi..ahaha..hectic. But anyways, the pic above shows me, my mum, sis and bro being reunited. Yes, dumating sila ate tsaka bunso noong lunes lang. Ito ung kinukwento ko sa mga entry ko about sa pagpunta rin nila dito, kahit masyado kumplikado pero ayun natuloy rin.

Lutang ako sa "happiness" at last kasama ko na sila parehas, may kasa-kasama na ako. Masaya talaga kahit na di na ako masyado nag-oot sa work ayos lang nandyan naman sila. Kahit na lagi na ako may kaagaw kay dell-ia, ayos lang at least nga madivert man lang attention ko sa iba..hehe. Kahit na hindi kami kumpleto, ok lang at least kalahati naman, kesa sa wala di ba?!
Ayun pagdating nila, kulitan tsaka tuksuhan, tawanan..lahat na emosyon naramdaman ko. Namiss ko talaga si ate tsaka si bunso specially mga argument nila, na ambabaw pero cute pakinggan. Food trip, shopping, chikahan pinagkaabalahan namin..walang sawa. Ganun talaga eh noh, kahit simpleng bagay, masaya ka na kasi alam mong andyan sila.
Masaya din kapag uuwi ka ng bahay, na alam mo na may dadatnan kang tao sa bahay niyo, di lang kung sino lang kundi mga kadugo, mga mahal mo!! Basta masaya!! Kapag pinagpapala ka talaga ni Papa God..sunod sunod eh noh?!
Ngayon 12:39am, gising pa rin ako kasi toma session kami, ang ingay, kantahan, tawanan, pikunanan, MASAYA!! May pasok ako bukas alam niyo ba?! Ok lang, kahit halos wala akong sapat na tulog ngayong linggo, ayos lang, todo bonding kasi kami. Ang saya talaga, promise!!!
As of now nasa adjustment period sila ngayon, naninibago, tambay muna pero next week sasabak na sila sa kabusy-han. Its gooD to know also that after 5 years nakita uleh ng mama sila ate, ba't daw ang lalaki ng mga anak niya..aysus, nag-isip ba??!! Sira..ahaha. Full time MOM na naman uleh siya, BUMABAWI!!! =)

Sunday, November 02, 2008

Miss You Guys..

While exploring some friends profile in friendster, Ive found one album which is loaded with so many pics.. MY HIGHSCHOOL CLASSMATES AND FRIENDS GET TOGETHER..



Bigla ko silang namiss, natuwa at higit sa lahat eh nainggit. Nakakatuwa lang isipin na close talaga kaming magkakaklase sa highschool. Tawag pa nga namin sa section namin eh IV-Tadeans, na Galileans originally. Tadeans, kasi naadapt namin sa isang character sa El-Fili na si Tadeo na pumapasok lang para malaman kung may pasok ba o wala..parang kami..haha. Andami talagang mga moments noong highschool na pinaka-da best daw sa lahat ng stages ng schooling. But anyways, ayan ung mga nag-attend ng get together sa ohh-lala na sikat na resort sa bicol. Ung mga di nakaattend daw eh mga busy at wala daw nagremind at nagbalita.. ay naku talagang mga tadeo, eh bat ako alam ko a day before the day out..hahaha.
Ayan nasa utak ko na namang umuwi sa bakasyon at para lang makita ulet ang aking bayang sinilangan at makita "sila". Kakainggit naman talaga..sino bang hindi aber..
Well, well, well tingnan ko nga kung makakabawi ako sa kanila next year..hmmm..tingnan natin..oi mga ka-blog kita rin tau huh..hahaha..*assuming*. Wala lang iniisip ko lang ang pinas sa gitna ng malamig na karimlan. Nyemas, winter na naman dito sa inglatera..ang lamig.. sa pinas maiinit..makauwi nga soon.. ahaha. Mga pipz, pasensya na random ako ngayon...waaahh.. *smile*.

Thursday, October 30, 2008

Halo-halong Kwento

Napansin ko lang, sobrang dami ang nagcecelebrate ng mga birthdays nila tuwing Oktubre. As in marami akong kakilala na sabay-sabay, sunod-sunod na nagpapagreet at humihingi ng regalo sa tuwing papatak ang Oktubre, nakakalimutan ko na nga silang igreet at para na rin makaiwas sa makabigay ng regalo, hehe!

October 5, brithday ni friend michelle, ayun as usual di mawawala ang kainan sa kanilang bahay, daming tao, eh of course inimbita ako so dapat may regalo, first time ko nga pala na bigyan siya ng gift, hindi ko naman kasi ugali na magbigay pero now "for a change".

October 21, birthday ng aking namayapang lola, asawa ng aking Johnny be good. Ni hindi nga ako nakapagsindi ng kandila eh but I did pray for her.

Birthday rin ng aking tita, we're not related pero close na close ako sa kanya. Di ko siya nabati but I know birthday niya. She's away naman kasi that's why, naghulog nalang kami ng birthday card for her sa kanyang flat.

October 24, birthday ng kuya ko. I know super babaw lng ng kaligayahan nun. Makasama lang girlfriend nya idate, makatanggap ng regalo mula kay mader dearest, ok na sa kanya yun. Di naman kasi ugali ng kuya na magpainom at maghanda sa bahay, magastos daw. Tinext ko lang siya ng ilang beses, naappreciate naman niya.

October 30, ngayon birthday ng aking ama. Ugali niya na magpainom, kahit pareho silang mahinang uminom ng kuya, at least mapasaya man lang daw niya ang mga officemates niya tska barkada. Mahilig din si papa na magluto at magexperiment ng pulutan, nagustuhan ko nga dati ung niluto niya na manok with gata and pickles..wow da best. Katulad din ng kuya, tinext ko rin lang siya. Di ko siya tinawagan kasi hindi naman ugali nun makipag-usap sa telepono..ewan ko ba, sanay lang talaga sila sa buhay text. I can't blame them.

-----------------------------------------------------------

Undas na pala sa sabado, panahon na rin ng sem-break. Dati sa tuwing papalapit na ang undas, gustong-gusto ko manood ng Magandang Gabi Bayan, manood ng mga katatakutan. Ito rin ang mga panahon kung saan enjoy na enjoy ako sa mga out of town trip, nagsisiuwian kasi ang mga kamag-anak kaya ito ang mga oras na kumpleto ang pamilya.

Naalala ko rin na nagbabantay kami sa puntod ng lola, nagsisindi ng mga malalaking kandila, at tsaka kapag natutunaw na eh iniipon at ginagawang bola. Nagkakaroon din kami ng mga reunion ng mga dating kaklase namin. Masaya kapag undas para sakin, ewan ko ba. Eto rin, para sakin ang magandang panahon para umuwi at magbakasyon.

So as of now... HAPPY HALLOWEEN nalang sa inyo.. enjoy the undas days, hehe!!

Saturday, October 25, 2008

Nice one..eii?!

Kagabi naassign ako ng aming restaurant supervisor na magtake-order sa mga guests. Bago para sakin ang trabahong ito sa resto kasi usually lagi ako nalalagay sa runner, kung san tagahatid lang ng mga pagkain sa mga tables. Kahit na anong hirap na maassign sa runner, na kahit napapagalitan ka minsan ng mga chefs ayos lang at least nakakatambay ka lang sa kitchen , mag-aantay lang ng commands ng mga chefs na "service please" unlike taking orders, I should deal with guest's questions about food, complaints and favors. Nyemas, I thought madali lang ang magkuha ng mga orders ng mga guests, na tatayo ka lang sa harap ng station sa door at kakalikot ka lang ng till, naku, I proved myself wrong. Mahirap pala, if ever may plano kang magtrabaho dito sa inglatera huwag kang aasa na magkakaron ka ng proper training ng at least three months, na kung akala mo na magshashadow ka lang sa mga visor mong boss, na kung kala mo iexplain sau lahat ng boss mo ang iyong mga gagawin..ay naku wag ka ng umasa. Ayun nga, first time ko magtake ng orders, madaliang direction lang ang pinagexplain saken, un na on the spot na trabaho ka na. Sariling diskarte lang ang ginawa ko... andaming tanong about certain food at alam niyo sagot ko " I'LL ASK THE CHEF ABOUT THAT *with matching smile*, naku nakakahiya talaga sa mga guests na feeling ko sa likod ng utak nila "WHAT KIND OF WAITRESS IS THIS, BLOODY RUBBISH", naku patay. At buti nalang kamo mabait naman ung mga mag-asawang kinuhanan ko ng orders. Ang hindi ko lang talaga matake ang mga pesteng visor na pinagtatanungan ko. Bwiset talaga!!! Hindi ako makahirit sa kanila! At eto pa pala, ang pagkakalikot ng effing till, as in blanko ang utak ko. As in wala, sa hindi ako marunong eh, walang nagturo sakin..AS IN WALA!!! Nyemas talaga kagabi, tangang tanga talaga ako..pakshet!!! Buti nalang nandiyan si alex ung kasama ko sa pagtake ng orders, nagfeeling close nalang ako sa kanya na nagsumipsip..ayun mission accomplished naman. Close na kami..hahaha!! Nauutusan ko na..bwahaha!
Its a brand new experience for me, Ive learned from my own mistakes. Tsaka proved mo sa lahat ng tao na "what's wrong on asking?!". Honestly, sinumpa ko na naman ang trabaho kong ito. Na sabi ko di na ulit ako magpapaassign sa door, na di na ako kukuha ng mga orders, na tatanggihan ko na. Pero narealized ko na I need exposure, na I can gain my knowledge about certain things through involvement. Na kung ayaw kong maging ignorant, I should take the consequences (pagsabihan, sigawan at pagalitan), we should not take it seriously unless below the belt na ang pinagsasabi sau ng boss mo, wag lang mura please, ehem.
At dahil nga ayaw ko ng mangyari ang nangyari kagabi, ang ginawa ko kumuha ako ng isang kopya ng menu namin sa resto at dinala ko sa bahay. Niresearch ko ung mga food na di ko alam, oh di ba napaka-resourceful ko na, may silbi na naman si dell-ia. Andami kong naresearch lam niyo ba.




Ang next na gagawin ko ay magpapaturo ako mamaya sa kawork ko kung panu magkalikot ng till..ayun soon to be expert na ko..hehe!!!


Actually di ganyan ung itsura ng till namin sa resto, may pagkakahawig pero ayos na yan.

Monday, October 13, 2008

Johnny Be Good

Kelangan kong tapusin yung university admission application ko online..kaso andaming dapat gawin, kesyo kailangan kong gumawa ng personal statements para maisubmit ko agad sa admissions tutor. Para sakin mahirap gumawa lalo na't busy rin ako sa pagtatrabaho. Kailangan ko rin pala maghanap ng references na may alam sa academics ko.Dapat kong kulitin I mean kontakin para naman mabigyan nila ako ng magandang recommendation statement.
Nyemas, kung nandito lang ang aking si Johnny be good ay naku sisiw yan. Si Johnny be good ay ang aking grandpa. Actually yan ang birong tawag ng aking papa sa kanya, naadapt ko lang. Lolo ko ang natatanging writer ko pagdating sa mga essays tsaka mga narrative reports ko. As in bigay ko lang ung topic ng essays.. ay kinabukasan meron na agad ako essay sa desk niya. Sa hindi naman ako boba..sadyang mabait lang talaga ang lolo ko. Naawa ata sakin kasi sa tuwing gagawa ako ng essays hay at nauubos ang aking papel sa kakapunit at kakatapon..haha. O kaya naman sa kakareview para sa mga exam, lagi niya akong nahuhuli sa sofa niya na tulog na't di pa tapos mag-aral. Ayun naawa sakin si Johnny..hihi. Siya nalang daw.. o see.. im lucky..hihi.
Ang lolo ay undergrad ng political science course. Dahil sa hirap ng buhay hindi niya natapos ang kanyang kurso. Sayang nga eh, writer pa naman siya ng peryodiko nila sa kolehiyo. Naalala ko pa ng pinakita niya samin ung mga tulang gawa niya, nasa wikang ingles at ang lalim ng mga salita..di ko maintindihan. Nagtrabaho siya sa munisipyo bilang taggawa ng mga dokumento sa lupa. Expert un sa typewriter..ambilis magtype, inggit nga ako't, halos di na siya nakatingin sa keys ng typewriter niya..galing!!!
Bilib din ako sa lolo ko, mahal niya ng sobra ang lola ko. Naalala ko pa noong simulang malumpo ang lola, instant perfect husband si Johnny, tagalaga, taggaluto, tagamasahe, all in one ika nga. Magaling din si lolo sa negosyo, andaming napundar na mga lupain, bukid, kalabaw, may sari-sari store..magaling sa pera. Siya rin ung tumulong samin sa mga gastusin sa schools. Baon, allowance sa kanya galing. At the best din ang kanyang mga panlilibre..namimiss ko na nga eh.
Miss ko na si Johnny be good. Actually mas close kaming magkakapatid sa kanya kesa sa tatay namin. Sa halos lahat ng nangyayari sa school namin, ang lolo ko ang mas nakakaalam. Siya pa nga ang tagahatid at tagasundo ng ate at kuya noon sa school nila. O di ba..all in one talaga si Johnny.
Di ko nga masyado nakakamusta ang lolo..last atang nakausap ko siya sa telepono eh last year pa..takot kasi un sa telepono, sa tuwing ipapasa sa kanya ng ate ung phone hay at un takot..bingi daw siya kahit hindi..hahaha. Kahit marinig niya lang ng konti ang boses ko ok na siya..lolo talaga oh, nagpapamiss..hahaha!!
Para sakin iba talaga ang bonding ng mga mag-grannys, lahat ng luho ng apo sagot lahat nila..well im guilty for that, hihi, pensyonado sila,, weno ba..hahaha!!




Nga pala dagdag description about sa lolo ko:
* magaling siyang magdrowing at tska maglettering, sa kanya namana ng papa ang
talent na to..
* mahilig siya sa farm animals..hate niya ang pusa..hahaha!!
* may self savings account book siya sa drawer niya ng laging may lock
* may mahabang listahan siya ng mga utang ng mga magulang ko..bwahahaha!!
* ang tanging wheels eversince talaga..ang bisikletang sobrang taas =)
* gigising siya ng half 4 ng umaga para dalawin ang puntod ng lola, maglalakad pa
kasi ng ilang kilometro, exercise daw
* siya ang instant chef namin sa umaga, pakagising namin para pumasok, may ready ng
sinangag tuyo at itlog sa lamesa..tsaka may mainit na rin kaming tubig na panligo
* kapag sinumpong siya halos walang makakalapit sa kanya, halah ^^)
* da best ang panlilibre niya talaga sobra :)

Ilan lang yan sa mga traits niya na minahal talaga naming magkakapatid..cant wait
to see him again back home..puro na naman tawanan!! =)

Saturday, October 11, 2008

Explanations...

Naalala ko pa nang pinost ko ang entry na haayyy na lugmok na lugmok ako sa mga sandaling sinusulat ko un. Na may halong mga kaba, takot at lungkot. Nasabi ko dun na permanente na akong uuwi ng pinas, na hindi ko nasambit kung bakit. Eto ang totoong istorya sa likod ng haayyy entry:

* narefused ung visa application ko
* hindi nabigyan ng right to appeal against the decision
* wala na akong karapatan na manatili pa sa bansang inglatera
* nasabi sa sulat galing ng home office na kailangan ko ng lisanin ang bansang
inglatera ASAP.
* na pag-hindi daw ako nagboluntaryong umalis sa bansa mapipilitan silang
ikulong ako hanggang anim na buwan, na may multa pa na £2000 na iconvert
natin sa peso eh Php250000
* nawalan ako ng trabaho
* nadepressed ako tsaka ang pinakamamahal kong ina.

Sino ba mag-aakala na paggising mo isang umaga ay makakatanggap ka ng sulat na ang nilalaman ang mga nasabi ko sa taas. Hindi ba nakakadepressed di ba?! Ang rami naming ginawa para lang mabigyan ng justice ang pagkakarefused ng aking visa na kung iisipin ay hindi dapat kung bakit:

* ako ay isang anak ng isang work permit holder
* na ang aking dalang visa ay isang dependant lang
* na nabigyan ang aking mahal na ina ng residential permit na dapat ganun din
ang kanyang mga anak...AKO.
* nanirahan ako sa bansang ito sa loob ng tatlong taon.

Hindi ba napakawalang puso ang nagbigay ng desisyon sa aking visa application, hindi man lang nag-isip bago magbigay ng desisyon.
Naghanap kami ng mga taong pwedeng tumulong samin, naghanap rin kami ng paraan para maayos ang aking visa.

* sa mismong araw na nakatanggap kami ng sulat galing sa home office, pumunta
agad kami ng Citizens Advice Bureau para humingi ng tulong ang resulta...
WALA, binigyan lang kami ng numero para aming kontakin na pwedeng makatulong
DAW.
* ang ginawa namin nagtawag ng nagtawag sa mga pwedeng tumulong sakin,
nagresearch sa internet kung ano ang mga posibilidad ng gawin.
* naghanap kami ng solicitor or lawyer na dalubhasa sa immigration matters,
meron nga kaming nahanap kaso ang sagot niya sa akin..NEGATIVE. Nagbayad lang
ako ng £350 or Php30000 para sa isang oras LANG na pananaliksik sa aking
kaso.
* humingi din kami ng advice sa aming kapwa pinoy, na ang sabi gagawa daw sila
sulat sa MP or Members of the Parliament para humingi din ng tulong para sa
aking kaso... ang sagot...HINDI DAW SILA MAKAKAGAWA NG SULAT, KAPAG MALI DAW
NG TAO WALA DAW POSIBILIDAD.

Akalain mo bang humihingi na nga kami ng tulong sa ibang tao ang sagot naman nila ay puro negatibo. Kaya hinanda ko nalang ang aking sarili sa mga oras na yun. Nawalan kami ng pag-asa, na hindi na maaayos ang aking kaso. Kaya ang ginawa namin ay nag-impake, nag-iyakan at inisip kung anong pwedeng gawin sa pinas.
Pero determinado talaga ang aking ina, naggawa pa rin siya ng mga paraan:

* nagsulat sa mga MP's, humingi ng tulong
* nagsulat sa home office na bigyan ako ng reconsideration na mag-apply ulit
* naghanap ng filipino solicitor para humingi ng legal advice.

Dahil sa naniniwala ang aking ina na pwedeng ayusin ang kaso ko, ang naging resulta... POSITIBO! Naisip ko nalang, hindi makakatulong ang ibang tao sa mga oras na ganito...PAMILYA talaga ang iyong masasandalan. Kaya dahil sa mga paniniwala ng aking ina..ito ang mga positibong resulta:

* nakahanap kami ng isang pinoy solicitor na nakatulong talaga ng malaki,
binigyan kami ng assurance na maaayos ang aking visa.
* nakatanggap kami ng reply letter galing sa MP na aming sinulatan, ang sagot
tutulungan daw niya kami.
* nabigyan ako ng reconsideration galing sa home office na pwede ako mag-apply
ulit.

Nakakatuwang isipin na akala ko uuwi na ako, na akala ko hindi ko na makakasama ang aking mga kapatid dito sa inglatera na parating pa naman. Buti nalang, hindi kami nakapagpabook ng plane ticket pauwi. Binigyan talaga ako ng pagsubok ni papa God kasi alam niyang malalampasan ko to. Ayun nga nagtampo ata Siya sakin kaya nagparamdam muna. Simula ng dumating ang mga pagsubok na ito, nagdasal ako ng nagdasal humingi ng tulong at paumanhin. Tuwing linggo, nasa simbahan ako lagi, na nagdadasal sa Kanya.
Sa loob ng tatlong buwan ng pag-antay sa wakas nakatanggap kami ng balita, MY VISA REAPPLICATION HAS BEEN GRANTED!!!. Ayan ang dahilan kung bakit naipost ko ang entry na my prayers been answered, hindi kung ano man na kaek-ekan.. VISA ang dahilan..hahaha!! Im back on track again..

Thursday, October 02, 2008

My prayers been answered..

God is very good talaga...sa wakas the long wait is over..hahaha!!! Ay lutang pa ako sa kaligayahan. Kung bakit?!!!


I'll post it soon... =)